Balitang A2Z

Liza Soberano, nasa Italy para sa Venice Film Festival at DVF Awards

The comeback is real, para sa Filipina American actress na si Liza Soberano. Arrive na arrive ang datingan ni Liza sa pagdating niya sa Italy para sa prestihiyong Venice Film…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of Filipina American actress Liza Soberano

The comeback is real, para sa Filipina American actress na si Liza Soberano.

Arrive na arrive ang datingan ni Liza sa pagdating niya sa Italy para sa prestihiyong Venice Film Festival.

Hindi lang guest si Liza dito, kundi bahagi ng limang miyembrong jury para sa pagpili ng Golden Globes Impact Prize for Documentary.

Bago ang filmest, una nang dumalo si Liza sa prestihiyosong DVF Awards sa Italy pa rin.

ADVERTISEMENT

Dito ay personal niyang nakita at nakilala ang fashion designer na si Dian Von Furstenberg na bumuo ng DVF Awards para kilalanin ang pinakanatatanging kababaihan sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, fashion, at agham.

Inaasahan namang mas magiging abala pa ang schedule ni Liza para sa promotional tour ng kanyang first lead role sa major Hollywood movie na ‘Forgotten Island’ na ipalalabas na ngayong Setyembre.

What do you feel about this article?