Balitang A2Z

DILG Sec. Remulla, bibiyahe patungong France para i-follow up ang Interpol Red Notice laban kay Zaldy Co

Nakatakdang lumipad patungong Lyon, France si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla para i-follow up sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) ang hiling ng Pilipinas…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Photo of DILG Secretary Jonvic Remulla (left) and former Ako Bicol Rep. Zaldy Co (right)

Nakatakdang lumipad patungong Lyon, France si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla para i-follow up sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) ang hiling ng Pilipinas na maglabas ng Red Notice laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Co-accused si Co ni dating House Speaker Martin Romualdez sa mahigit pitong bilyong pisong plunder case na isinampa ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y kickback scheme sa flood control at iba pang government projects.

Ayon kay Remulla, maghahain muli ang pamahalaan ng request para sa Red Notice matapos hindi pa ito naaprubahan ng Interpol sa naunang hiling.

“Pa-filean namin si Zaldy Co ulit ng red notice. Coincidentally, pupunta rin ako ng Lyon, France para i-follow-up ang red notice niya sa INTERPOL. I will work with the INTERPOL, he will work with the diplomatic efforts para makuha si Zaldy Co,” pahayag ni Remulla.

Aniya, siya ang tututok sa law enforcement track sa Interpol habang si Ombudsman Jesus Crispin Remulla naman ang makikipag-ugnayan sa French authorities sa diplomatic side ng paghahanap kay Co.

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ng Ombudsman na pupunta rin ito sa France para makipag-usap sa mga otoridad doon kaugnay ng pag-locate at posibleng pagpapabalik kay Co sa Pilipinas.

Nananatiling nasa labas ng bansa si Co at patuloy ang paghahanap sa kanya ng mga otoridad.

What do you feel about this article?