Muling natagpuan sa kagubatan ng Mt. Candalaga sa Davao de Oro ang critically-endangered na rattan palm na Calamus vinosus, mahigit 100 taon matapos huling maitala sa wild.
Huling nadokumento ang halaman noong 1912 bago muling matuklasan sa isang plant photography expedition sa Mt. Candalaga Range.
Pinangunahan ang expedition nina Dr. Julie F. Barcelona, Dr. Pieter B. Pelser ng University of Canterbury at Guiller S. Opiso ng Philippine Eagle Foundation.
Isa sa pinakakapansin-pansing katangian nito ang makikintab na pulang bunga nito na lumilitaw sa gitna ng makapal na luntiang kagubatan.
ADVERTISEMENT
Mas lalong mahalaga ang pagkakatuklas dahil ang parehong kagubatan ay tirahan din ng Philippine Eagle at ng bihirang giant flower na Rafflesia Mira, kaya nararapat lang na pangalagaan ang kalikasan.

