Inaprubahan na ng House of Representatives nitong Martes ang panukalang batas na nag-e-extend sa termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials sa limang taon.
Sa botong 211 pabor, 13 tutol at isang nag-abstain, aprobado ang House Bill 10971 sa ikatlo at final reading nito.
Inaamyendahan ng House Bill ang Republic Act Number 12232 na apat na taong termino naman ang ginagarantiya sa mga BSK official.
Ibig sabihin, layon nitong i-postpone ang November 2 BSKE ngayong taon at gawin sa November 2028.
ADVERTISEMENT
Nakatakda nang i-transmit ang House-approved version sa Senado para naman pag-aralan at i-deliberate ng mga senador.
Hihintayin pa ngayon ang pinal na bersyon ng panukalang batas bago isumite sa Pangulo para gawing batas at maging epektibo.

