Balitang A2Z

5 patay, 5 sugatan matapos lumampas sa runway ang Amazon cargo plane sa Miami, USA

Patay ang limang indibidwal, habang lima ang sugatan matapos lumampas sa runway ang isang Amazon cargo plane sa Miami International Airport nitong Linggo. Ayon sa Miami-Dade Fire Rescue, bumangga ang…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of an Amazon cargo plane that overshot the runway at Miami International Airport in the USA

Patay ang limang indibidwal, habang lima ang sugatan matapos lumampas sa runway ang isang Amazon cargo plane sa Miami International Airport nitong Linggo.

Ayon sa Miami-Dade Fire Rescue, bumangga ang Boeing 767 sa ilang sasakyan matapos lumapag galing San Juan, Puerto Rico, bago ito nagliyab.

Tatlo sa mga nasugatan ang dinala sa trauma centers at nasa critical condition, habang dalawa pa ang ginamot sa isang local hospital.

Kinailangan din ng technical rescue teams para mailabas ang ilang biktima na naipit sa mga sasakyan.

ADVERTISEMENT

Na-trap din umano sa loob ng eroplano ang pilot at co-pilot, pero hindi pa nilinaw ng mga otoridad ang kanilang kondisyon.

Pansamantalang isinara ang lahat ng runway at taxiway ng Miami International Airport dahil sa insidente.

What do you feel about this article?