Balitang A2Z

14 Pinoy marino na nakaligtas sa Strait of Hormuz attack, nakauwi na sa bansa

Inaasahang dumating sa Pilipinas nitong 10:00 ng gabi, Martes, ang 14 na Filipino seafarer na nakaligtas sa pag-atake sa Saudi-flagged crude oil tanker na MT Sidra sa Strait of Hormuz…

Billy Torres · · Updated · 2 min read

Photo of Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac

Inaasahang dumating sa Pilipinas nitong 10:00 ng gabi, Martes, ang 14 na Filipino seafarer na nakaligtas sa pag-atake sa Saudi-flagged crude oil tanker na MT Sidra sa Strait of Hormuz noong August 31.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ligtas ang lahat ng 14 na survivor at inaasahang makakasama na nila ang kanilang mga pamilya pag-uwi.

Samantala, nananatili sa Al Khasab sa Northern Oman ang mga labi ng dalawang Filipinong nasawi sa insidente.

Ayon kay Cacdac, kinukumpleto pa ang mga dokumentong kailangan para sa repatriation ng kanilang mga labi.

“Sinasaayos na ngayon yung pagpapauwi ng dalawang tripulanteng nasawi. Yung 14 ay makakauwi na and in fact they are arriving tonight 10:00 p.m., the two who perished as the result of the attack – are yet to be repatriated as their documentation for repatriation are still being prepared and finalized and sent to the authorities in Oman, and it won’t take long,” pahayag ni Cacdac.

ADVERTISEMENT

Nakatakda namang pumunta sa Dubai nitong Miyerkules ng gabi si Cacdac para makipagpulong sa ship owner at tumulong sa imbestigasyon sa mga pangyayaring humantong sa pagkamatay ng dalawang Pinoy marino.

Titignan ng DMW kung sumunod ang ship owner at licensed manning agency sa mga pataran sa ligtas na paglalayag ng mga O-F-W seafarer at pag-iwas sa high-risk at war-like areas.

What do you feel about this article?