Balitang A2Z

Pulis, nagpaanak ng buntis sa gilid ng kalsada sa Malabon

Matagumpay at ligtas na napaanak ng isang pulis ang ginang na inabot sa kalsada sa may Malabon nitong Linggo, September 6. Tinukoy ang nasabing pulis na si Patrolman Roselindo Delima…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of Patrolman Roselindo Delima assisting a pregnant woman in giving birth on the road in Malabon City

Matagumpay at ligtas na napaanak ng isang pulis ang ginang na inabot sa kalsada sa may Malabon nitong Linggo, September 6.

Tinukoy ang nasabing pulis na si Patrolman Roselindo Delima na noo’y pauwi sana galing duty nang maabutan ang ginang.

Kwento ng pulis, pinahiga at pinag-relax niya ang namimilipit sa sakit na buntis.

Sabay tinulungan sa pag-ire at paglalabas ng bata.

ADVERTISEMENT

Sa tulong ni Delima, ligtas ang mag-ina.

What do you feel about this article?