Balitang A2Z

Palasyo, kinumpirmang walang banta sa buhay ni VPSD

Kinumpirma ng Palasyo na walang banta sa buhay ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang natatanggap na ulat ang mga awtoridad kung nasa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Vice President Sara Duterte (left) and Palace Press Officer Usec. Claire Castro (right)

Kinumpirma ng Palasyo na walang banta sa buhay ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang natatanggap na ulat ang mga awtoridad kung nasa panganib ang buhay ng Bise President.

“Ngayon lang po ito nagsulputan, kung papansin ninyo po, noong nakuwestyon na siya dahil siya mismo ang nagbanta sa buhay ng Pangulo, First Lady at dating Speaker. Wala pong record, wala pong pagsusumbong, wala pong reklamo,” saad ni Castro.

Dagdag pa ni Castro, mayroong security personnel si Duterte para matiyak ang kaniyang kaligtasan.

What do you feel about this article?