Pinamamadali ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagbabaon ng sheet piles sa pasukan ng daloy ng tubig mula sa Tulaoc River, upang maiwasan ang pag-uulit ng malawakang pagbaha sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon kay Dizon, kailangang makumpleto ang paglalagay ng mga ito bilang bahagi ng flood-control intervention sa naturang lugar.
Bukod sa paglalagay ng sheet piles at kauna-unahang modular flood barriers sa bansa, tuloy-tuloy rin ang pagsipsip ng tubig at dredging.
Dahil dito, dalawang lane sa magkabilang direksiyon ang passable na at halos bumalik na sa normal ang daloy ng trapiko.
ADVERTISEMENT
Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtitiyak sa maayos na biyahe ng mga motorista.
Kamakailan ay dumanas ng delubyo sa trapiko ang mga commuter sa NLEX dahil sa bahang idinulot nito.

