Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na tutungo siya sa France sa mga susunod na araw para makipag-usap sa mga otoridad doon tungkol sa mga politikong umano’y humihingi ng political asylum habang may mga kasong kinakaharap sa Pilipinas.
Ayon kay Remulla, hindi maaaring gawing taguan ng mga Pilipinong mandarambong ang bansang France.
Nakaugat ang pahayag sa mga ulat na nasa France umano sina dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at Senator Loren Legarda at posibleng humihingi ng legal protection.
Pero nilinaw ni Remulla na wala pa silang konkretong impormasyon na naghahain nga ng asylum ang dalawa.
Nahaharap si Co sa mga kasong kaugnay ng multibillion-peso flood control scandal.
Habang saklaw ng isang plunder at graft complaint si Legarda, kasama ang anak niyang si Batangas Rep. Leandro Leviste, na nasa preliminary investigation pa ng Ombudsman.
ADVERTISEMENT
Una nang sinabi ni Legarda na nasa medical leave siya dahil sa isang lung-related condition at itinanggi niya ang mga paratang laban sa kanya.
Matatandaang sa ilalim ng asylum process sa France, French authorities pa rin ang magpapasya kung may sapat na batayan para bigyan ng international protection ang isang aplikante.
Samantala, kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug na naghain muli ng medical leave si Senator Loren Legarda para sa mga petsa mula September 7 hanggang 9 at September 14 hanggang 16.

