Walang anumang record sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang mahigit 1,000 pangalang tumanggap umano ng pera mula sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), ayon sa PSA official na tumestigo sa impeachment court.
Kabilang ang pangalang Mary Grace Piattos.
Ayon pa sa testigo, ang ilang pangalan namang may PSA records ay mga sanggol pa lamang at may ilan namang matagal nang patay.

