Balitang A2Z

Marcos, umaasang gagayahin ng ibang lungsod ang waste management system ng Marikina

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagayahin ng ibang lungsod ang solid waste management system ng Marikina City, na aniya’y malaki ang naitulong sa pagbawas ng pagbaha na matagal…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr. personally inspecting the Centralized Materials Recovery Facility (MRF) of Marikina City

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagayahin ng ibang lungsod ang solid waste management system ng Marikina City, na aniya’y malaki ang naitulong sa pagbawas ng pagbaha na matagal nang nararanasan sa lungsod.

Personal na ininspeksyon ni PBBM ang Centralized Materials Recovery Facility (MRF) ng Marikina City at pinuri rin niya ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan.

“Ito ang pinakamagandang halimbawa ng circular na economy dahil nagagamit as much as possible lahat ng mga maaari pang maulit na gamitin, ma-recycle ay nagagawan nila nang paraan,” ayon sa Pangulo.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang pangangailangan para sa bawat lokal na pamahalaan na magkaroon ng sariling Integrated Ecological Solid Waste Management System.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Marcos, hindi lamang ito makatutulong sa flood management kundi maging sa pangangalaga ng kalikasan.

What do you feel about this article?