Na-stranded ang libo-libong pasahero sa international airport sa Jakarta matapos mag-alboroto ang Mount Anak Krakatau.
Nagbuga ng makapal na volcanic ash ang nasabing bulkan na kumalat sa nasabing lugar.
Walong airport ang naapektuhan nito matapos ma-detect ang abo sa airspace.
Dahil dito, umabot sa 270,000 pasahero ang naipit sa mga paliparan ayon sa Transport Ministry ng Indonesia.

