Balitang A2Z

Lea Salonga, umaasang may susunod sa kanyang yapak, matapos maging unang Pinoy na makakuha ng Hollywood star

Nagtala ng makasaysayang tagumpay si Filipina Disney Princess at Broadway icon Lea Salonga, matapos siyang maging kauna-unahang Pilipino na nagawaran ng bituin sa Hollywood Walk of Fame. Ibinahagi ni Lea…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of Filipina Disney Princess at Broadway icon Lea Salonga

Nagtala ng makasaysayang tagumpay si Filipina Disney Princess at Broadway icon Lea Salonga, matapos siyang maging kauna-unahang Pilipino na nagawaran ng bituin sa Hollywood Walk of Fame.

Ibinahagi ni Lea sa social media ang highlights ng pambihirang pagkakataon na ginanap sa California nitong weekend.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng Tony Award winner ang lahat ng tumulong at naging bahagi ng kanyang journey.

Binalikan niya rin ang mga narating bilang si Kim ng Miss Saigon, Eponine at Fantine sa Les Misrables, at Princess Jasmin o Mulan sa Disney movies.

ADVERTISEMENT

Pero aniya, bago ang Hollywood ay nagsimula lahat ng ito sa Maynila, sa kanyang pagganap sa teatro sa edad na pitong taong gulang.

Naging una man na Pinoy na may Hollywood star, umaasa ang singer-actress na may susunod pa sa kanya.

What do you feel about this article?