Kinoronahan bilang Miss World 2026 si Joheirry Mola Dominguez ng Dominican Republic, matapos talunin ang 110 iba pang kandidata sa coronation night sa Nha Trang, Vietnam.
Si Mola ang ikalawang Miss World winner ng Dominican Republic, kasunod ni Mariasela Alvarez na nagwagi noong 1982.
First runner-up si Elisabeth Reynés Alabern ng Spain, habang second runner-up si Taanusiya Chetty ng Malaysia.
Naantala rin ang seremonya dahil sa malakas na ulan sa outdoor venue.
ADVERTISEMENT
Samantala, nagtapos naman ang journey ni Asia Rose Simpson, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Worlds 2026, sa Top 12 contenders.

