Balitang A2Z

Sen. Raffy Tulfo, binira ang DOH dahil sa expired na mga gamot na nagkakahalagang P217 milyon

Binira ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Health (DOH), dahil sa paulit-ulit na pag-expire ng daan-daang milyong pisong halaga ng gamot. Sa Senate budget hearing, nagpakita si Tulfo ng…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Photo of Senator Raffy Tulfo

Binira ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Health (DOH), dahil sa paulit-ulit na pag-expire ng daan-daang milyong pisong halaga ng gamot.

Sa Senate budget hearing, nagpakita si Tulfo ng mga ebidensiyang larawan, ng umano’y expired na gamot na ibinaon para itapon.

“Binabaon yung mga gamot by the hundreds of millions. At meron pa pang disposal committee na binuo. So, bakit kayo nagsisinungaling sa taong bayan? ‘Yan na naman yung pera ng taumbayan na nasayang na ibinaon sa lupa,” ayon kay Tulfo.

ADVERTISEMENT

Habang kinwestiyon ng senador ang paliwanag, na ibinabalik at pinapalitan sa suppliers ang mga gamot, na malapit nang mag-expire.

Ayon sa DOH, umabot sa P217 milyon ang halaga ng expired na gamot noong 2025. Nasa P477 milyon naman ang mga gamot na malapit nang mag-expire.

Giit ni Tulfo, mas nakakabahala ito, habang may mga health center na nagrereklamo ng kakulangan sa gamot.

ADVERTISEMENT

Hinala rin ni Tulfo na may mga supplier na pinapaboran sa pagbili ng mga gamot na malapit nang mag-expire, kapalit umano ng kickback.

Pero ayon kay DOH Undersecretary Gloria Balboa, hindi siya aware sa mga gamot na umano’y ibinalik matapos mag-expire.

“Hindi po ako aware doon sa pinabalik na nag-e-expire. ‘Yun lang pong near expiry ang alam po namin, na nasa TOR na kailangan po nilang palitan bago mag-expire. Ito kasing issue ng expired, sa expiry, eh parang it’s a systems problem,” pahayag ni Balboa.

ADVERTISEMENT

Habang itinuro rin ng DOH ang pagkasira ng mga stock, sa problema sa planning, procurement, inventory at delivery.

What do you feel about this article?