Matapos ang rollback ngayong linggo, ay posibleng bumigat muli ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore, tinatayang tataas ng hanggang P5 kada litro ang diesel at kerosene, habang mahigit P4 naman, ang iaakyat sa kada litro ng gasolina.
Bunsod ang muling pagsipa ng presyo ng langis, ng sigalot sa pagitan ng US at Iran, at banta sa supply mula sa Middle East, na nakaapekto sa world market.
Kumonti rin ang mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz, na isang mahalagang ruta ng oil supply.
ADVERTISEMENT
Inaasahang makakaapekto muli ang sakaling taas-presyo sa mga motorista, at posibleng magdagdag-pressure sa transportasyon at presyo ng mga bilihin.
Gayunpaman, posible pa namang magbago ang final price adjustment, bago sumapit ang Martes.

