Balitang A2Z

NBI, magsasampa ng reklamong trafficking vs. Rep. Leviste, 6 iba pa

Magsasampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong qualified human trafficking, laban kay Batangas Representative Leandro Leviste at anim na iba pa. Kaugnay ito ng umano’y “honey trap” plot,…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of NBI Director Melvin Matibag (left), Executive Secretary Ralph Recto (mid), and Batangas Representative Leandro Leviste (right)

Magsasampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong qualified human trafficking, laban kay Batangas Representative Leandro Leviste at anim na iba pa.

Kaugnay ito ng umano’y “honey trap” plot, laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Kasama sa mga respondent si dating Congressman Jing Paras, apat na abogado at isang talent manager.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nakakalap sila ng sapat na basehan, para iharap ang reklamo sa Department of Justice (DOJ).

“They’re supposed to be committed qualified human trafficking. Nandoon lahat yung elements. It’s the NBI who is making the complaint. This is a public offense, ito, hindi naman kailangan na si ES ang mag-reklamo dito. Nanggaling ito sa entrapment namin, tapos lumabas yung istorya. It’s a mandate of the NBI, nakita namin na may crime na nga na ginawa,” pahayag ni Matibag.

ADVERTISEMENT

Kabilang umano sa ebidensya ang mga testimonya, CCTV footage, larawan at mobile phone conversations.

Sinabi ng NBI na umano’y planong gamitin ang mga babae, para bitagin si Recto sa isang kompromisong sitwasyon, at sirain ang kanyang pangalan.

Habang itinanggi naman nina Leviste at Paras, ang pagkakasangkot sa umano’y plot.

What do you feel about this article?