May pasabog para sa kanilang fans, ang Blackpink members na sina Jisoo at Lisa, matapos sabay na naglabas ng kanilang mga bagong kanta ang dalawa.
Unang nagpakilala si Blackpink member Lisa, na balik-Thailand ang peg, para sa bagong solo single na “SaWaDiKa.”
Sa music video na kinunan sa Bangkok, tampok ang Thai culture at ilang kilalang lugar sa capital, kabilang ang historic Hua Lamphong Railway Station.
Bumalik din si Lisa sa kanyang rap-heavy sound sa bagong kanta.
Hango ang “SaWaDiKa” sa Thai greeting na ginagamit sa pagsasabi ng “hello,” at lead track ng paparating niyang six-track extended play na “Press Play,” na ilalabas sa October 23.
Samantala, muling nagbalik sa solo music, si Blackpink member Jisoo, para sa bagong kantang “Click.”
ADVERTISEMENT
Kasabay ng release, inilabas din ang futuristic music video na diniretso ni Joseph Kahn, na nakatrabaho na rin nina Taylor Swift, Britney Spears at Eminem.
Sa video, gumanap si Jisoo bilang isang cyborg, na naiwan sa isang abandonadong theme park.
Tampok din ang “Click Bear” na sumisimbolo sa mga tagahanga ni Jisoo mula sa iba-ibang bansa.

