Balitang A2Z

Ex-DPWH Sec. Bonoan, laya na, isang araw matapos matanggap ng PNP-CIDG ang release order ng Sandiganbayan

Pinalaya na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Biyernes ng umaga, matapos ang halos tatlong buwang hospital arrest sa Philippine National Police (PNP),…

Ace Cruz · · Updated · 1 min read

Photo of former Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan

Pinalaya na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Biyernes ng umaga, matapos ang halos tatlong buwang hospital arrest sa Philippine National Police (PNP), sa bisa ng release order ng Sandiganbayan matapos nitong pagbigyan ang hiling ng Ombudsman na ibasura ang plunder at graft case kaugnay ng flood control anomalies.

Hindi na nagpakita sa media ang dating kalihim, pero ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), masaya si Bonoan sa kanyang paglaya.

What do you feel about this article?