Inilunsad ng Tesla ang driverless Cybercab sa Austin, Texas, USA.
Nagsimula nang magsakay ng pasahero, ang self-driving robotaxi, sa limitadong bahagi ng lungsod.
Dalawahan lang ang Cybercab at wala itong manibela, pedal o side mirrors.
Gumagamit ito ng autonomous driving technology, para magbiyahe nang walang traditional driver controls.
ADVERTISEMENT
Layon ng Tesla na palawakin ang robotaxi business, habang tumitindi ang labanan sa self-driving market.
Gayunpaman, sinusuri na ng U.S. National Highway Traffic Safety Administration ang rollout.

