Balitang A2Z

Arrest warrant vs. VP Sara Duterte, inilabas ng QC RTC kaugnay ng grave threats vs. PBBM

Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na naglabas na ang Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 98 ng warrant of arrest laban sa opisyal sa tatlong…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Vice President Sara Duterte

Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na naglabas na ang Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 98 ng warrant of arrest laban sa opisyal sa tatlong counts ng grave threats, kaugnay ng naging pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang kaanak noong November 2024.

Sa contributed photo ng warrant, itinakda ang P120,000 na piyansa sa bawat bilang ng reklamo.

Sa kabila ng warrant, wala pang personal na pagtugon ang Bise ukol sa warrant, pero nagbahagi ang official Facebook page ng kanyang opisina ng mga larawan ukol sa kanyang pagbisita sa Zamboanga.

Habang tumugon naman ang Palasyo na nirerespeto nito ang desisyon ng korte na maglabas ng warrant.

Kanina, nagdeploy ng 50 pulis sa paligid ng QC RTC kung saan nakaabang ang media sakaling sumipot ang Bise at maghain ng piyansa. Pero hindi sumipot ang Ikalawang Pangulo doon.

ADVERTISEMENT

“Walang aarestuhin, kasi walang dumating, at the same time, for security ng court,” ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Christopher Olazo.

“To provide security lang po sa area ng Justice Hall,” saad ni P/Lt. Joemar Cadilla, Asst. Chief of PIO.

What do you feel about this article?