Balitang A2ZUncategorized

Alex Eala, pasok sa US Open third round matapos patauhin si Oliynykova ng Ukraine, 6-1, 6-4

Umabante na sa third round ng US Open si Filipina tennis ace Alex Eala, matapos pataubin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine, 6-1, 6-4, sa New York. Dinomina ni Eala ang…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Filipina tennis ace Alex Eala and Ukraine’s Oleksandra Oliynykova.

Umabante na sa third round ng US Open si Filipina tennis ace Alex Eala, matapos pataubin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine, 6-1, 6-4, sa New York.

Dinomina ni Eala ang unang set sa loob lang ng 23 minuto. Bumawi si Oliynykova sa ikalawang set, pero nanatiling kalmado si Eala, para tapusin ang laban sa straight sets.

Muli namang dinumog ng mga Pilipinong tagahanga ang Louis Armstrong Stadium.

Ayon kay Eala, naging susi sa panalo ang kanyang patience at consistent focus.

ADVERTISEMENT

Unang beses nakarating si Eala sa third round ng US Open, lampas sa second-round finish niya noong nakaraang taon.

Susunod na makakatapat ni Eala ang American na si Iva Jovic sa Round of 32.

What do you feel about this article?