Nagbabala ang 7-Eleven Philippines, na maaaring maharap sa legal action, ang sinumang sadyang gagalaw o dudumi sa pagkaing ibinebenta sa kanilang mga store.
Kasunod ito ng muling pagkalat ng video ng isang babae, na umano’y dinilaan ang hotdog at ibinalik ito sa food warmer.
Ayon sa 7-Eleven, hindi nila kinokompromiso ang food safety at sanitation ng kanilang mga ibinebentang produkto, lalo’t agad umanong itatapon ang anumang pagkain o inumin, na hindi wasto ang pag-handle.
Maaari ring kasuhan ang sinumang sadyang magtamper ng pagkain, at maglagay sa panganib sa mga customer at staff.
ADVERTISEMENT
Hinikayat din ng kumpanya ang mga customer, na agad ireport sa staff ang kahina-hinalang paghawak sa pagkain.
Mahalaga ito lalo sa mga ready-to-eat food na nakalagay sa self-service display, dahil maaaring magdulot ng contamination ang paghawak ng maruming kamay, o pagkakaroon ng laway sa pagkain.

