Milagrong na-rescue ang dalawang tauhan sa hydropower tunnel sa Nepal, mahigit isang linggo matapos ang delubyo ng mudslide sa border nito malapit sa China.
Nailigtas ang 30-anyos na lalaki mula sa pagkakatrap sa tunnel. Napanatili aniya ang kanyang pag-asang nare-rescue sa pag-awit ng mga Hindu mantras.
Nasagip din ang 45-anyos niyang kasamahan, na kritikal ngayon ang kundisyon. Kapwa dinala ang dalawa sa ospital.
Pumalo na sa 1,200 ang patay sa Nepal at China, habang may 5,500 pang nawawala.
ADVERTISEMENT
Pero ang pagkakahanap sa dalawang nasagip ngayong araw, ay nagbibigay pag-asa na posibleng may ilan pang buhay na maisasalba.

