Balitang A2Z

15-anyos na sangkot sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City, mahaharap sa patung-patong na kaso

Mahaharap sa 10 dagdag na kaso, ang 15-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo. Iniutos ng mga prosecutor, ang pagsasampa ng apat na counts…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of 15-year-old student involved in a shooting at a school in Tacloban City in June.

Mahaharap sa 10 dagdag na kaso, ang 15-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo.

Iniutos ng mga prosecutor, ang pagsasampa ng apat na counts ng frustrated murder, at anim na counts ng attempted murder.

Nauna nang kinasuhan ang menor de edad ng tatlong counts ng murder, at dalawang counts ng attempted murder, na naka-pending na sa Family Court ng Tacloban.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), nakita ng mga prosecutor na kumilos nang may discernment, o alam kung ano ang tama at mali, ang kinse anyos na suspek, nang mangyari ang insidente, at umano’y nakipagsabwatan pa siya, sa isang katorse anyos na estudyante.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, maaari siyang managot sa ilalim ng Juvenile Justice Law, bagama’t menor de edad siya.

What do you feel about this article?