Balitang A2Z

Sen. Villanueva, wala sa fraud audits ng COA sa Bulacan flood control projects

Walang nakita ang Commission on Audit (COA) na anumang nag-uugnay kay Sen. Joel Villanueva, sa Bulacan flood control scandal. Ito ang nilinaw ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba, sa pagsalang ng…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Senator Joel Villanueva

Walang nakita ang Commission on Audit (COA) na anumang nag-uugnay kay Sen. Joel Villanueva, sa Bulacan flood control scandal.

Ito ang nilinaw ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba, sa pagsalang ng budget hearing, ng naturang komisyon sa Senado ngayong Huwebes.

Una nang naging paksa si Villanueva ng imbestigasyon, ukol sa umano’y pagkakasangkot sa flood control scandal, sa balwarte ng senador sa Bulacan.

Bagay na makailang ulit nang itinanggi ng senador.

“Pwede n’yo po bang sabihin sa harap ni Sen. JV kung si Joel V ba ay masama diyan sa mga project sa mga nakita ng COA?,” ayon kay Villanueva.

ADVERTISEMENT

“It’s really the DPWH people na nag-i-implement, because it’s the budget of DPWH, and personnel in Bulacan. Wala po si Sen. Joel doon, at hindi naman siya implementor. He is a legislator,” pahayag ni Cordoba.

Naungkat ang isyu nang busisiin sa Senado, ang ongoing audits ng COA, sa halos limampung flood control projects sa Bulacan.

What do you feel about this article?