Balitang A2Z

PADS Dragon Boat Team mula Cebu, humakot ng bagong world records at ginto sa IDBF Championships sa Taiwan

Back to back na ginto at bagong world records, ang naiuwi ng Philippine Accessible Disability Services (PADS) Team, mula sa 15th International Dragon Boat Federation (IDBF) Club Crew World Championships,…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of the Philippine Accessible Disability Services (PADS) Team at the 15th International Dragon Boat Federation (IDBF) Club Crew World Championships in Hualien, Taiwan, on Thursday, September 4.

Back to back na ginto at bagong world records, ang naiuwi ng Philippine Accessible Disability Services (PADS) Team, mula sa 15th International Dragon Boat Federation (IDBF) Club Crew World Championships, sa Hualien, Taiwan nitong Huwebes, September 3.

Binasag ng PADS Dragon Boat Team, ang sarili nitong world record noong 2019, para sa “Small Boat Para Dragon-2” 200-meters event, kung saan naitala nila ang 52.6 seconds, mas mabilis sa dating 54.17 seconds.

New world record din ang naitala ng koponan, sa Standard Boat 200 meter race. Mula sa 2023 record ng grupo na 49.3 seconds, mas mabilis ito sa 46.6 seconds.

Sa ngayon, meron nang 3 gold medals at 1 silver ang PADS. Pero susubukan pa ng koponan na madagdagan ang mga medalya sa upcoming events.

ADVERTISEMENT

Big comeback ito para sa PADS Dragon Boat Team, lalo’t hindi sila nakadalo sa 2024 at 2025 World Championships, dahil sa ilang hamon sa logistics.

Itinatag noong 2016 sa Cebu ng disability rights advocate na si JP Maunes, isang inklusibong koponan ang PADS Dragon Boat Team, na kumikila sa husay ng persons with disability bilang mga atleta, na kayang makipagsabayan sa kakayahan ng mga walang kapansanan.

What do you feel about this article?