Balitang A2Z

DepEd, nagsagawa ng simultaneous school safety drill sa buong bansa

Nagsagawa nitong Huwebes ang Department of Education (DepEd) ng National Simultaneous School Safety Drill, para subukan ang kahandaan ng mga paaralan sa active threats at iba pang emergencies. Ito’y matapos…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Nagsagawa nitong Huwebes ang Department of Education (DepEd) ng National Simultaneous School Safety Drill, para subukan ang kahandaan ng mga paaralan sa active threats at iba pang emergencies.

Ito’y matapos ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong August 18, at San Jose National High School sa Tacloban noong June 22.

Kabilang sa mga pinagdausan ng drill ang Carlos F. Gonzales High School sa Bulacan, na dinaluhan nina Interior Secretary Jonvic Remulla, DepEd Undersecretary Malcolm Garma, at Assistant Secretary Jocelyn Andaya.

Layunin ng exercise na makabuo ng procedural muscle memory sa mga estudyante at school personnel, na hindi nagdudulot ng takot o trauma.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang pag-secure ng entry points, pananatiling tahimik at malayo sa mga bintana, at pagrepaso sa mga evacuation route.

ADVERTISEMENT

Samantala, pansamantalang sinuspinde ng National University-Mall of Asia sa Pasay City, ang face-to-face classes nitong Huwebes ng umaga, matapos ang iniulat na bomb threat sa campus.

Habang isinasagawa ang security inspection, inilipat muna sa remote synchronous learning ang mga klase.

Pero matapos ang inspeksiyon, kinumpirma ng National University na walang natagpuang explosives o hazardous materials sa campus, at agad nag-resume ang onsite classes bandang ala-una ng hapon.

What do you feel about this article?