Humingi ng dispensa at inamin ni Police Senior Master Sergeant Don Carlos Almonidovar, ang pagbangga sa motorsiklo, panununtok at pagbabanta sa buhay, ng isang 20-anyos na college student, na nakagiriian niya sa daan.
Ayon sa ulat, nauwi sa mainit na pagtatalo ang insidente, matapos silang magkasagiaan habang bumibiyahe.
Sa halip na maresolba ang hindi pagkakaunawaan, sinasabing binangga umano ng pulis ang estudyante, saka ito sinuntok at pinagbantaan ang buhay.
Hindi naman itinanggi ng senior master sergeant ang alegasyon laban sa kanya. Sa kanyang pagharap kaugnay ng insidente, kinilala ng pulis ang kanyang pagkakamali.
ADVERTISEMENT
“Message ko lang po sa pamilya na… humihingi po ako ng tawad sa nagawa kong kasalanan. Pero hindi po para pagbigyan ako, ang maano ako sa kaso. Ginagawa ko yung pakiusap ko at hingin ng pagtawad, nasa puso naman, nagawa ko yung kasalanan,” ayon kay Almonidovar.
Samantala, patuloy naman na hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa Napolcom, para matukoy ang buong pangyayari, at ang mga posibleng pananagutan ng pulis sa insidente.

