Mas lalong pinainit ang pagbabalik ng late-night talk show na “Gandang Gabi Vice” matapos ilabas ang bagong poster nito, nitong Huwebes, September 3.
Excitement reveal ang feels ng bagong poster, na inilabas sa noontime show na “It’s Showtime.”
Kinumpirma rin ni Unkabogable Vice Ganda na natapos na ang unang taping, para sa bagong season ng programa.
Aniya, sigurado nang babalik sa ere ang “Gandang Gabi Vice” matapos maisagawa ang shoot.
“Eere na siya September 13, eere na. Kaya mga Kapamilya, Kapuso, ready na ba kayo? Dahil sabay-sabay nating masaksihan ang reveal ng poster ng GGV,” ayon kay Vice Ganda.
ADVERTISEMENT
Sisimulan ang bagong season ng GGV sa September 13, tuwing Linggo 10:00 ng gabi sa GMA at iWant.
Matatandaang unang umere ang “Gandang Gabi Vice” mula 2011 hanggang 2020, at nakilala sa mga celebrity interview at comedy segments ni Vice Ganda.

