Basta kabataang Pinoy, hindi nagpapahuli ‘yan sa anumang larangan.
Nag-uwi ng medalya ang mga kinatawan ng bansa sa ikatlong International Nuclear Science Olympiad (INSO) na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.
Tig-isang bronze medal ang nasungkit nina Ivan Gerard Empizo ng Philippine Science High School Cordillera Administrative Region Campus at Magnus Rex Navarro ng Philippine Science High School Main Campus.
Layon ng INSO na paunlarin ang nuclear education at isulong ang mapayapang paggamit ng nuclear science at technology.
ADVERTISEMENT
Congratulations sa buong team at sa mga nagwagi!

