Bilang pagpapatuloy ng protesta kontra sa itatayong US-led initiative na Pax Silica Hub, inilunsad kahapon ang Network Opposed to Pax Silica.
Kinabibilangan ito ng civil society groups, religious groups, mga scientists, magsasaka, environmental advocates, mga estudyante, at iba pa.
Ayon kay Apung Petronila Capiz-Muñoz, chieftain ng Aeta group sa Sitio Sapang Kawayan, sisirain ng PAX Silica ang kanilang komunidad, kabuhayan, burial ground, at maging ang kalikasan.
Giit naman ng Bagong Alyansang Makabayan, ang Amerika lamang ang magbe-benepisyo sa planong ito at hindi ang mga Pilipino.
ADVERTISEMENT
Magsasagawa ng pampublikong edukasyon at konsultasyon sa mga komunidad ang grupo at umaasa silang mas marami pang Pilipino ang makikiisa sa kanilang panawagan.

