Wala umanong nakikitang problema si Defense Counsel Atty. Michael Wesley Poa kung hilingin siyang tumestigo bilang prosecution witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Poa, malugod niyang tatanggapin ang pagkakataong magpatotoo ukol sa lawak ng kanyang partisipasyon sa isyu hinggil sa Department of Education (DepEd) confidential funds.
Naglabas siya ng pahayag matapos siyang ilarawan ni Deputy Speaker Francisco Paolo Ortega V bilang isang “mahalagang personalidad” sa impeachment trial.
Ayon kay Ortega, maaaring makatulong ang testimonya ni Poa upang linawin ang mga tanong na hindi nasagot sa isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong 2024.

