Balitang A2Z

Ipo Dam, nagtakda ng pagpapakawala ng tubig; mga bayan sa Bulacan, pinag-iingat

Pinag-iingat ang ating mga kababayan sa Bulacan matapos mag-abiso ang Office of Civil Defense (OCD) ng pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam. Buong araw nang inuulan ang Bulacan at…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of Ipo Dam

Pinag-iingat ang ating mga kababayan sa Bulacan matapos mag-abiso ang Office of Civil Defense (OCD) ng pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam.

Buong araw nang inuulan ang Bulacan at Central Luzon at lubog na sa baha ang maraming komunidad.

Sinabayan pa ito ng Red Rainfall Warning nitong Biyernes dahilan kung bakit napuno na ang imbakan ng tubig sa Ipo.

Kaya naman, 9:00 ng gabi nitong Biyernes, nagsimula nang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam.

ADVERTISEMENT

Partikular na direktang maaapektuhan ang mga bayan ng Angat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong, Hagonoy, at Malolos City.

What do you feel about this article?