Balitang A2Z

Rep. Paolo Duterte, pumalag kay Atty. Kapunan hinggil sa pahayag patungkol sa umano’y ‘culture of violence’ ng pamilya Duterte

Pumalag si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kay Atty. Lorna Kapunan matapos iugnay ng abogado ang pamilya Duterte sa umano’y “culture of violence ” sa bansa. Naunang inihayag…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte and Atty. Lorna Kapunan

Pumalag si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kay Atty. Lorna Kapunan matapos iugnay ng abogado ang pamilya Duterte sa umano’y “culture of violence ” sa bansa.

Naunang inihayag ng counsel ng impeachment prosecution ni Kapunan na ang umano’y mga banta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang mga alegasyon ng extrajudicial killings noong Duterte administration ay nakadaragdag sa ganitong kultura.

Ginawa ni Kapunan ang pahayag habang tinatanong tungkol sa nangyaring school shooting sa Ateneo de Zamboanga University.

Pero giit ni Paolo Duterte, hindi dapat gamitin ang trahedya para sa anila’y “Anti-Duterte narrative” at impeachment propaganda.

Aniya, dapat imbestigahan ang pamamaril at panagutin ang mga responsable, habang ang mga paratang sa impeachment ay dapat patunayan sa pamamagitan ng ebidensiya.

ADVERTISEMENT

Kaugnay niyan, sinagot din ni Polong ang panawagan ng Akbayan na dapat humarap si VP Sara sa impeachment trial.

Ayon sa kongresista, hindi kailangang personal na dumalo si VP Sara sa lahat ng pagdinig.

What do you feel about this article?