Balitang A2Z

MMDA: Flood control designs, dapat muling suriin dahil sa climate change

Nanawagan si Metropolitan Manila Development Authority General Manager Nicolas Torre III na muling suriin ang mga flood control measures sa bansa dahil posibleng hindi na angkop ang ilang lumang disenyo sa…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of Metropolitan Manila Development Authority General Manager Nicolas Torre III.

Nanawagan si Metropolitan Manila Development Authority General Manager Nicolas Torre III na muling suriin ang mga flood control measures sa bansa dahil posibleng hindi na angkop ang ilang lumang disenyo sa kasalukuyang kondisyon.

Ayon kay Torre, kailangang siguraduhing gumagana nang 100 percent ang mga kasalukuyang drainage at flood control syste habang wala pang pangmatagalang solusyon.

Kabilang dito ang regular na desilting, pag-aalis ng basura at mga bara at pagtitiyak na walang utilities na nakakasagabal sa mga imburnal.

Aniya, marami nang nagbago dahil sa epekto ng climate change, land use at pagbaba ng kakayahan ng lupa na sumipsip ng tubig.

“Ang mga assumptions that were used when these engineering designs may not already be climate change na, ang land use utilization, yung absorptive capacity ng lupa at so many other factors may already change,” ayon kay Torre.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, posibleng hindi na sapat ang mga dating flood control design para sa mas matindi at mas madalas na pag-ulan ngayon.

What do you feel about this article?