Aabot sa P1.7 trilyon ang hihiramin ng pamahalaan sa susunod na taon para punan ang kakulangan sa pondo ng 2027 National Budget.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), aabot sa P7.2 trilyon ang panukalang pambansang budget para sa 2027.
Tinatayang gagastos ang gobyerno ng P6.9 trilyon, habang nasa P5.2 trilyon naman ang inaasahang kita.
Dahil dito, magkakaroon ng P1.7 trilyong budget deficit na sasagutin sa pamamagitan ng pangungutang.
Ayon sa DBM, karamihan sa hiram na pondo ay magmumula sa mga domestic creditors, bagama’t may bahagi rin na mula sa foreign borrowing.
ADVERTISEMENT
Samantala, umabot na sa P19.07 trilyon ang sovereign debt ng Pilipinas noong Hunyo.
Ayon sa pamahalaan, layon ng 2027 budget na pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura, human capital, food at energy security, at social protection. (Pink Feliciano/News Light)

