News LightLatest News

ERC, panukalang tanggalin ang VAT sa system loss para pababain ang singil sa kuryente

Naglatag ng resolusyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) kahapon upang tanggalin ang 12% na value-added tax (VAT) na kasalukuyang nakalagay sa pinababayarang system loss.

Newslight · · 1 min read

Naglatag ng resolusyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) kahapon upang tanggalin ang 12% na value-added tax (VAT) na kasalukuyang nakalagay sa pinababayarang system loss.

Gustong ipalipat ng draft resolution ang system loss charge bilang government-mandated pass-through cost.

Sa pamamagitan nito, hindi na isasali ang system loss sa resibo ng mga generation companies, distribution utilities, at ng National Grid Corporation of the Philippines upang maibsan ang bigat ng VAT na naipapasa pa sa mga konsyumer.

Ito ang tugon ng ERC hinggil sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos noong ikalima niyang State of the Nation Address na tanggalin ang mga binabayarang hindi naman nararamdaman ng konsyumer sa aktuwal na serbisyong naibibigay.

Para maging epektibo, kailangan itong maisa-pinal at kumpirmahin ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

ADVERTISEMENT

Tatanggap naman ang ERC ng komento mula sa mga stakeholders mula August 18, at sa pamamagitan ng konsultasyon sa publiko sa August 25. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?