News LightLatest News

Pondo para sa flood control projects, posibleng ibalik sa 2027 national budget

Ayon kay House Deputy Speaker Paolo Ortega, mahalagang matustusan ang mga infrastructure project na layong maiwasan ang pagbaha.

Newslight · · 1 min read

Posibleng maglaan muli ng pondo para sa mga flood control projects sa panukalang 2027 national budget.

Depensa ito ng ilang mambabatas sa Kongreso, sa kabila ng pag-aalinlangan dahil sa mga nakaraang kaso ng substandard at ghost flood control projects.

Ayon kay House Deputy Speaker Paolo Ortega, mahalagang matustusan ang mga infrastructure project na layong maiwasan ang pagbaha.

Mungkahi ni Ortega, gamitin ang Project NOAH at drones sa pagtukoy ng mga lugar na dapat unahin sa flood mitigation projects.

Samantala, ayon kay Marikina Second District Representative Miro Quimbo, mahalaga ang flood control projects pero dapat may transparency at accountability sa pagpapatupad nito.

ADVERTISEMENT

Iginiit naman ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na dapat baguhin ang sistema ng pagpondo.

Samantala, isinumite na ng Department of Budget and Management kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 7.2 trilyong pisong National Expenditure Program para sa 2027. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?