News LightLatest News

Meralco rates, bababa ng P0.04/kWh ngayong Agosto

Para sa konsyumer na gumagamit ng aabot sa 200 kilowatt-hours, tinatayang nasa P9 ang ibababa sa bill.

Giselle Crazo · · 1 min read

Bababa ng P0.04 kada kilowatt-hour ang overall electricity rate ng Meralco ngayong Agosto bunsod ng refund na inatas ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Para sa konsyumer na gumagamit ng aabot sa 200 kilowatt-hours, tinatayang nasa P9 ang ibababa sa bill.

Nasa P13 naman ang inaasahang matatapyas sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt-hours, habang P21 naman ang mababawas sa mga gumagamit ng aabot sa 500 kilowatt-hours kada buwan.

Pero ayon sa Meralco, mas malaki sana ang ibababa ng singil kung hindi tumaas ang transmission charges at feed-in tariff allowance (FIT-All).

ADVERTISEMENT

Kaugnay niyan, tumaas ng mahigit P0.30 kada kilowatt-hour ang charges mula sa National Grid Corporation of the Philippines dahil sa mas mataas na ancillary service costs.

What do you feel about this article?