Nagwakas na ang Toronto campaign ni Filipino tennis star Alex Eala matapos mapataob ni Belinda Bencic ng Switzerland sa Round of 16 ng 2026 Canadian Open.
Naging maganda ang simula ni Eala at nakapantay pa sa 4-4 sa opening set matapos makabawi ng break.
Pero agad kinuha ni Bencic ang sumunod na dalawang games para isara ang first set, 6-4.
Samantala, kontrolado na ng Swiss veteran ang second set at hindi na nakakuha ng game si Eala.
Natapos ang Toronto run ni Eala isang linggo matapos makamit ang kaniyang kauna-unahang WTA title sa Washington.
ADVERTISEMENT
Habang tutungo naman si Eala sa Cincinnati, Ohio para sa isa pang WTA 1000 tournament bago ang US Open.
Kaya naman, tuloy lang ang laban, Alex!

