Podium sweep para sa Team Pilipinas ang naganap sa International Dance League sa South Korea matapos umani ng medalya ang lahat ng delegado ng bansa sa naturang kompetisyon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sumali ang mga Pinoy dance crews sa kompetisyon at gumawa pa ng kasaysayan nang magwagi sa kani-kanilang kategorya.
Nakuha ng VPeepz ang gintong medalya sa Junior Division.
Para sa Community Division, naiuwi ng three-time world champions na UPeepz ang silver medal, samantalang bronze medal naman ang nakamit ng grupong BAWZ.
ADVERTISEMENT
Nakipagtagisan sa pagsayaw ang Team Pilipinas sa mga dance crew mula sa USA, South Korea, at iba pa.
Kaya naman, pagbati para sa lahat ng Filipino dancers na nagwagi!

