News LightLatest News

Panukalang P1,000 buwanang ayuda sa minimum wage earners, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ng 11 mambabatas ang panukalang magkaloob ng P1,000 buwanang ayuda o P12,000 taun-taon sa mga pamilyang may minimum wage earner na hindi kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino…

Newslight · · 1 min read

Inihain sa Kamara ng 11 mambabatas ang panukalang magkaloob ng P1,000 buwanang ayuda o P12,000 taun-taon sa mga pamilyang may minimum wage earner na hindi kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nakapaloob ito sa House Bill No. 10648 o ang Pambansang Agapay sa Pamilya at Maliliit na Negosyo (PAMANA) Act.

Sa ilalim ng panukala, idadaan ang ayuda sa isang digital wallet na naka-link sa Philippine Identification System (PhilSys).

Maaari rin umanong mag-apply ang mga self-employed at informal sector workers na kumikita ng hindi hihigit sa regional minimum wage, basta’t pasok sa mga itatakdang pamantayan.

Hindi naman maaaring i-withdraw bilang cash ang ayuda.

ADVERTISEMENT

Sa halip, magagamit lamang ito sa pagbili ng mga pangangailangan mula sa mga akreditadong micro, small, at medium enterprises (MSMEs), tulad ng mga sari-sari store, palengke, karinderya, botika, at ibang maliliit na negosyo.

Itatalaga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang pangunahing ahensiya sa pagpapatupad ng programa, kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, upang matiyak na ang ayuda ay mapupunta sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?