Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang LTFRB at DSWD ang dagdag na ayuda sa mga nasa sektor ng transportasyon.
Maglalaan ng 1.5 bilyong piso ang pamahalaan upang magbigay ng tulong pang-monthly amortization sa mga driver at operator ng modern jeepney na nasa ilalim ng Public Transport Modernization Program, kung saan makakatanggap sila ng ayuda na aabot sa 20,000 pesos kada buwan.
Kasama na rin ang mga driver at operator ng mga pampublikong transportasyon sa dalawang libong ayuda mula sa Uplift Cash Assistance Program ng DSWD.
Simula ika-10 ng Agosto ay waived ang mga toll fee sa mga provincial bus sa mga major tollway sa bansa.
ADVERTISEMENT
Tuloy rin umano sa ika-15 ng Agosto ang 12 pesos per liter na fuel discount sa mga driver ng jeepney at UV Express. (Austin Gonzaga/News Light)

