News LightLatest News

2.59 milyong Pilipino, walang trabaho ayon sa PSA; Inflation at pagtaas ng presyo ng langis, posibleng nakaapekto sa labor sector

Ayon sa PSA, umakyat sa 4.9% ang unemployment rate, o katumbas ng mahigit dalawang milyong Pilipino, kung saan karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay kabilang sa may maliliit na…

Giselle Crazo · · 2 min read

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipino sa bansa na walang trabaho nitong Hunyo, batay sa pinakabagong tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, umakyat sa 4.9% ang unemployment rate, o katumbas ng mahigit dalawang milyong Pilipino, kung saan karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay kabilang sa may maliliit na kita.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 4.8% noong Mayo.

Paliwanag ng ahensiya, dumami ang mga Pilipinong pumasok o muling naghanap ng trabaho kaya kapwa tumaas ang bilang ng employed at unemployed.

ADVERTISEMENT

Sa halos 650,000 na mga bagong pasok sa labor force, aabot sa 592,000 ang nasa edad 15 hanggang 24 na taong gulang, na karamihan ay posibleng mga fresh graduate.

Pero hindi lahat ng bagong jobseeker ay agad nakahanap ng trabaho.

Pinakamalaki ang nawalan ng hanapbuhay sa wholesale at retail trade, na bumaba ng mahigit 900,000 kumpara noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT

Nabawasan din ang trabaho sa fishing at aquaculture industry, construction, at financial and insurance activities.

Ayon pa sa PSA, posibleng nakaapekto ang mataas na presyo ng krudo sa mga mangingisdang gumagamit ng diesel, habang ang patuloy na pagtaas ng inflation ay maaaring nagpahina sa retail sector.

Habang may nadagdag namang hanapbuhay sa accommodation and food services, administrative and support services, public administration, at education.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ng DOLE na patuloy nitong palalakasin ang job generation, skills training, at mga programang magdudugtong sa edukasyon at employment.

What do you feel about this article?