Target ng Department of Agriculture (DA) na mapababa sa ₱47 hanggang ₱50 kada kilo ang retail price ng lokal na bigas sa paparating na anihan o harvest season.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sapat ang imbak na bigas ng bansa at inaasahang mananatiling stable ang suplay hanggang sa katapusan ng taon.
Magsisimula ang anihan sa ilang lugar sa Setyembre, habang inaasahan ang pinakamaraming ani mula Oktubre hanggang Disyembre.
Mas handa rin umano ngayon ang National Food Authority (NFA) na bumili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
ADVERTISEMENT
Kaya ng mga warehouse nito na tumanggap ng hanggang 500,000 metric tons ng karagdagang palay.

