Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi limang medalya ang naiuwi ng Pilipinas sa katatapos lang na 2026 World Hip Hop Dance Championship.
Sa kompetisyong ginanap sa Arizona, USA, nagpakitang-gilas sa sayawan ang mga Filipino dance crew laban sa mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa Megacrew Division, nakuha ng Philippine crew na Femme MNL ang gold medal at sinundan ng The Crew na nakakuha ng silver medal.
Sa Adult Division, ginto rin ang nasungkit ng grupong HQ at bronze medal naman ang iginawad sa Folk Jumpers.
ADVERTISEMENT
Nakamit naman ng Syawatha Jr. ang bronze medal para sa Junior Division.
Congratulations sa mga dance crew na nagwagi at sa lahat ng nakilahok at nagtaas ng bandera ng Pilipinas!

