Hinimok ng Malacañang ang mga transport group na idaan sa dayalogo ang kanilang mga hinaing sa halip na ituloy ang nakatakdang tatlong-araw na transport strike.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi malulutas ng pagtitigil-pasada ang mga problema at mga komyuter lamang ang mas mahihirapan.
Giit pa ng Palasyo, bukas ang pamahalaan sa negosasyon para marinig at maunawaan ang mga hinaing ng transport sector.
Nauna nang nagbanta ang grupong Manibela na magsasagawa ng transport strike mula August 10 hanggang 12.
ADVERTISEMENT
Layunin nitong idiin ang pamahalaan na aprubahan ang hinihiling nilang provisional na dagdag-pasahe.

