Inaasahang babagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2026, ayon sa World Bank.
Sa pinakabagong Philippine Economic Update, tinataya ng multilateral lender na lalago lamang ng 3.7% ang gross domestic product (GDP) ng bansa, mas mababa kumpara sa 4.4% na naitala noong 2025.
Sa kabila nito, pinanatili ng World Bank ang kanilang growth forecast, na hindi nagbago mula sa Global Economic Prospects Report na inilabas noong Hunyo.
Pasok naman ang 3.7% projection sa binagong GDP growth target ng pamahalaan na 3.5% hanggang 4.5% para sa taong 2026. (Pink Feliciano/News Light)

